Ang Babaing Taga-Tiro at Lalaking Pipi at Bingi (2 sa 3 na bahagi)

Marcos 7:27-30

Ngunit sinabi ni Jesus, “Kailangang ang mga anak muna ang pakainin. Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga aso.”

Tugon ng babae, “Tunay nga po, Panginoon, ngunit kinakain din ng mga asong nasa ilalim ng mesa ang tira ng mga anak.”

Kaya’t sinabi sa kanya ni Jesus, “Dahil sa sinabi mo, maaari ka nang umuwi. Iniwan na ng demonyo ang iyong anak.”

Umuwi ang babae at naratnan niya sa higaan ang bata. Iniwan na nga ito ng demonyo.

Hindi tulad ng babaeng taga-Tiro, karamihan sa mga “refugees” na humihingi ng tulong sa iba’t ibang bansa o lugar ay kasama ang kanilang mga anak na “nagpapatirapa” sa harap ng ating lipunan sa kanilang paghahanap ng kaligtasan mula sa mga digmaan at kahirapan. Hindi sila maaaring “pauwiin” dahil manganganib ang kanilang buhay. Pagtanggap ang kailangan nila kasabay ng pagpapalayas ng “demonyong” pumipinsala sa pamayanang kanilang pinanggalingan.

  1. Ano ang iyong masasabi sa reaksyon ni Hesus nang marinig n’ya ang pakiusap ng babaeng nagpatirapa sa kanyang harapan? Ano naman ang inyong masasabi sa tugon ng babae?
  2. Bilang mga mananampalataya at tagasunod ni Hesus, ano ang tugon na inaasahan mula sa atin sa gitna ng matinding krisis ng marami nating mga kababayang katutubo?
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s