Migranteng Pilipino – On the Wings of Love?

Last Saturday (August 8), nag-attend ako ng isang forum tungkol sa kalagayan ng mga OFW’s o Filipino Migrants. Binigyang diin sa forum na ito ang karanasan (nararanasan) ni Mary Jane Veloso na nagsasalarawan sa karanasan ng maraming Pilipino sa ibang bansa.

Ngayon naman, nanonood ng On the Wings of Love, isang romantic na tele-serye na mayroong kahalong pagpapakita kung paano nangangarap ang maraming Pilipino na makapag abroad at kung paano rin ang kani-kanilang mga Pamilya ay magkasabay na nalulungkot (dahil sa paghihiwalay) at umaasa (dahil sa pera o mga materyal na bagay na pinadadala) sa ipinapangakong magandang kinabukasan.

Walang sense ang ganitong kalagayan kung sa sarili mong bansa ay mayroong sapat at pantay na oportunidad. Hindi dapat madaling tanggapin o paniwalaan ng maraming tao na may mas madaling buhay sa malayo at di-pamilyar na lugar. Pero maraming Pilipino and kinagisnan na ang paniniwalang ito at mas naniniwala tayo sa magandang kinabukasan sa abroad kaysa sa tunay na pagbabago at pag-unlad ng sariling bayan.

Tatanggapin na lang ba natin ang kalagayang ito o kailangan nating kumilos upang magkaroon ng pagbabago para matigil na ang “kulturang” ito? Ilan pang pamilya ang kailangang magkahiwa-hiwalay; mga anak na hindi masusubaybayan ng magulang ang paglaki; mga magulang na tatanda ng hindi lubusang makikilala ng kanilang mga anak?

Kaya ba nating mangarap ng higit pa sa ating mga pangarap at manampalataya ng higit pa sa ating pananampalataya para sa mas magandang bukas?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s